Muling pumagitna ang Philippine Sports Commission (PSC) sa umìinit at lumalalang hidwaan nina Olympian EJ Obiena, Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico na nag-ugat sa simpleng liquidation.
Sa pahayag ni PSC Chairman William Ramirez,mas makabubuting itigil na ng kampo nina Obiena, Juico at maging Philippine Olympic Committee (POC) ang pagpapalabas ng kung anu-anong statements na nakasasakit sa bawat isa sa kanila.
Matatandaang nagingkumplikado ang problema nang matapos ang"parallel investigation" ng POC ethics committee na inirekomendang ideklara si PATAFA president Philip Ella Juico na persona-non-grata na agad ding ipinatupad ng executive council sa pamumuno ni POC president Abraham Tolentino dahil sa umano'y harassment ng PATAFA kay Obiena.
Bunga nito, itinuloy din ng PATAFA ang kanilang imbestigasyon na nauwi sa pagpapatalsik ng Olympic pole vaulter kay Obiena mula sa Philippine team at pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.
“We are sportsmen, proudly calling the Philippines our motherland. Instead of throwing accusations against each other, can we not talk as sportsmen trained and exposed to the core values of Olympism — excellence, friendship, and respect,” apela pa ni Ramirez.
Matatandaang inalis ni Juico si Obiena sa national pool matapos ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng umano'y hindi pagbabayad nito ng suweldo ng kanyang coact na si Vitaly Petrov ar palsipikadong liquidation reports na isinumte nito sa PATAFA.
Ang mga alegasyon ng PATAFA ay ilang beses nang itinanggi ni Obiena.
Marivic Awitan