May paalala si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa mga nagdo-donate ng mga damit para sa mga nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre 17, 2021.

"Don't donate clothes you don't even wear," paalala ni Katarina sa kaniyang serye ng mga Instagram stories nitong Enero 4, 2022.

Screengrab mula sa IG/Katarina Rodriguez

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Paalala pa niya, "Hindi naman dahil walang-wala na sila ay deserve nila ang basura ng mga tao, sorry pero yung ibang nakuha namin na donation sobrang dumi at butas-butas na."

Nirepost pa niya ang isang sinabi ng netizen na "If there are holes in your clothes, do not donate them."

"Also, don't donate your dirty panty or dirty underwear…"

"If it is not wearable (essential) clothes, don't send it."

"Please donate appropriate clothing!"

Screengrab mula sa IG/Katarina Rodriguez

Aktibo si Katarina sa pagsasagawa ng donation drive para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Kabisayaan.

Matatandaang noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda at maging pagputok ng Bulkang Taal noong 2020 ay pinagkatuwaan ng mga nakatanggap ng donasyon ang mga damit na ipinamahagi sa kanila, na karamihan ay mga gown, formal attire, costumes, at iba pang mga hindi esensyal na damit na magagamit sa pang-araw-araw.