Pormal na inanunsyo sa publiko nitong Lunes, Enero 3, ng “Chika Minute” host na si Iya Villania-Arellano ang kanilang muling pagbubuntis ni Drew Arellano.

Sa episode ng programang “Mars Pa More” nitong Lunes, ibinunyag ni Iya na inaasahan nila ang pang-apat nilang supling ni Drew ngayong taong 2022.

Sa kanyang Instagram post nitong hapon ng Lunes, ibinahagi ng Kapuso host na unang nalaman ng kanilang panganay na anak na si Primo ang good news at nanatili muna itong sikreto mula kay Drew.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa Instagram ni Iya Villania-Arellano

Si Primo na isinilang noong 2016, Leon noong 2018 at Alana noong 2020 ang kasalukuyang mga anak ng Kapuso hosts na makikita sa halos lahat ng Instagram posts ni Iya.

Noong unang linggo ng Disyembre 2021, ibinahagi ng pamilya ang groundbreaking ng kanilang itatayong tahanan.