Iniintriga ng mga netizen na hiwalay na ang mag-jowang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga bago pumasok ang 2022 dahil sa mga kakaiba nilang galawan sa social media accounts nila.

Napansin ng mga netizen na kung dati ay panay post ang dalawa ng mga litrato nila nang magkasama at sweet na sweet sa isa't isa, bakit naman sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay wala silang picture together?

At ipagpalagay ngang mas bet nilang magdiwang umano ng holiday seasons sa mga pamilya nila, wala rin daw sweet messages man lamang para sa isa't isa?

Ang huling Instagram posts ng dalawa na magkasama sila sa isang frame ay noong Disyembre 12, kung saan sinorpresa ni Diego si Barbie para sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-love birds. Kilig to the max ang mga tagahanga nila dahil makikita talagang todo-effort si Diego; magandang set-up sa harapan ng beach na kitang-kita ang paglubog ng araw ang peg ng kanilang selebrasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa isang post ni Barbie noong Disyembre 15 kung saan ibinida niya ang isang airwrap styler, nagkomento pa rito si Diego.

"Bat di mo pinost yung isa," komento ng boyfriend.

Barbie Imperial (Larawan mula sa IG)

Ngunit pagkatapos nga, waley na. Solo-solo na ang mga litrato nila. At kataka-takang walang komento sa bawat isa.

Halimbawa kay Barbie, may isa siyang IG post na ang caption ay 'The Goodbye Girl' na pamagat umano ng magiging proyekto niya ngayong 2022.

At noong mismong Bagong Taon, Enero 1, ipinakita niya ang bago sa kaniya---ang bago niyang hairstyle.

"New year, new hair… Jk (Joke), happy new year everyone," caption ni Barbie.

Barbie Imperial (Larawan mula sa IG)

Sa IG naman ni Diego, makikitang nagdiwang sila ng Kapaskuhan kasama ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia. Sa isa pang post, nagpahaging naman siya ng kaniyang bagong vlog na tinawag niyang 'A Day in My Life'. At ang huli niyang post ay binati niya ang lahat ng 'Happy New Year'.

Marami naman sa mga netizen ang napatanong at 'naalarma' na. Gumana na naman ang 'Marites mode'.

"Bakit hindi mo pinapakita si Barbie?"

"Happy New Year.. Where is Baby Barbie?"

"Di naman siguro sila hiwalay ni Barbs.. Baka choice nila. To spend Christmas and new year with fama and friends."

"Love it Bie (heart emoticons) dapat caption mo ito lang naman sinayang mo, joke."

"Break na po ba sila ni Barbie? Di sila magkasama ng Christmas at New Year?"

"Bakit wala na kayong picture together ni Diego? Haay! Kayo lang inaabangan ko sa IG eh."

Matatandaang inulan ng intriga ang kanilang relasyon dahil sa rebelasyon ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza. Nagkaisa naman sila sa pagtanggi sa alegasyon nito at sinabing going stronger pa ang kanilang relasyon.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag sina Barbie o Diego tungkol dito. Available sa 'Vivamax' ang kanilang pelikulang 'Dulo'.