Dahil sa inaasahang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), agad na iniutos ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa National Task Force Against COVID-19 Response Cluster na ihanda na ang mga pediatric healthcare facilities sa buong bansa.
Pagdidiin ni acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, dapat nakahanda ang lahat ng ospital para sa mga batang mapapasok sa quarantine dahil sa darating na araw inaasahan na may magpopositibo sa kanila dahil agkat karamihan sa mga ito ay hindi pa bakunado.
Aniya, inaasahan na rin ng gobyerno ang pagsipa ng aktibong kaso sa buong bansa dahil sa holiday activities kung saan tumaas ang nagiging paggalaw ng mga tao at kadalasang hindi na nasusunod ang minimum public health standards.
Isa rin aniya sa dahilan sa pag-alerto ng pamahalaan ay ang natalang kaso ng Omicron variant kung saan lumalabas sa imbestigasyon na posibleng mayroon nang local transmission nito sa bansa.
Beth Camia