Kulang pa ng pitong milyong Pinoy na babakunahan upang maabot ng bansa ang population protection laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang pahayag ni Presidential Adviser on COVID-19 Response Vivencio Dizon nitong Sabado, Disyembre 25.

Plano aniya ng gobyerno na mabakunahan ang nasabing bilang bago matapos ang 2021 upang makumpleto ang puntiryang 54 milyon at makamit ang population protection.

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, aabot na sa 105,329,784 doses ng bakuna ang naiturok na sa buong bansa kung saan 47,109,448 na Pinoy ang bakunado na at nasa 1,365,827 naman ang nakatanggap na ng booster shots.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumaba aniya sa 675,567 doses ang vaccination rate dahil na rin sa pananalasa ng bagyong 'Odette' kamakailan.

"Iyong ating mga areas na tinamaan ng bagyo, siyempre hindi natin mai-expect na magbakuna sila dahil nga busy sila sa relief at sa rehabilitation. Pero iyong mga ibang lugar naman na hindi tinamaan ng ‘Odette’ ay talagang dapat paigtingin natin at tuluy-tuloy lang tayo," paliwanag pa ng opisyal.