Iniulat ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dinagdagan ang food at non-food item supplies ng mga rehiyong apektado ng bagyong "Odette."
Ito ay bilang pagpapakita ng tulong ng ilang Field Offices ng DSWD sa “Odette” disaster operations ng bansa.
Naglaan angField Office V ng 11,000 family food packs (FFPs) para sa Eastern Visayas. Sa food packs na ito, 1,000 ang nadala na sa Field Office VIII, habang ang natitirang 10,000 food packs ay ibinabiyahe pa.
Nakinabang naman sa augmentation support ngField Office IX ang Caraga Region. Nasa 7,000 FFPs at iba pang non-food items gaya ng 135 kumot, 2,431 bath towels, 309 bed sheets at 2,325 kulambo, ang dinala sa rehiyon noong Disyembre 19.
Nagbigay angField Office XIng karagdagang suporta sa pamamagitan ng pagpapadala ng 8,000 food packs, 3,000 family kits, 2,500 sleeping kits, 1,500 hygiene kits, at 2,000 malongs.
Nakatanggap din ang Field Office Caraga ng karagdagang 1,500 sets ng hygiene kits, 1,185 kahon ng sleeping kits, at 70 kahon ng bottled water mula sa Field Office XI nitong Miyerkules.
Namahagi naman angField Office Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng 1,500 family tents sa mga apektadong rehiyon, ayon sa DSWD.
Sinabi ng Social Welfare department na naka-standby na ang mga miyembro ng Regional at Provincial Quick Response Teams para sa posibleng deployment sa “Odette” affected areas.
Beth Camia