Isang humanitarian airplane ang ipinadala ng Philippine Red Cross (PRC) sa isla ng Siargao, isa sa mga pinakatinamaan ng Bagyong Odette, pagbabahagi ng organisasyon nitong Martes, Dis. 21.

Ayon sa PRC, ang eroplano ay may malaking pangkat na magsusuri at magdodokumento ng sitwasyon, magbibigay ng kalinawan at magsisilbing ugnayan ng mga magkakahiwalay na pamilya. Kasama sa deployment ang isang portable generator, two-way satellite ground station, mga pangunahing gamot, first aid kit at mga kagamitan sa komunikasyon.

“We were running blind with Siargao because of the lack of communication. This is the reason why we sent a plane to assess the situation and come up with a comprehensive plan to provide relief,” sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Sen. Richard Gordon.

Sa isang zoom meeting kasama ang International Federation of the Red Cross at Red Crescent kasama ang mga national societies sa buong mundo, nagbigay si Gordon ng pangkalahatang kalagayan ng sitwasyon ng Pilipinas dahil sa Bagyong Odette.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“With 35 provinces hit, the killer typhoon run a wide swath over the Visayan and Mindanao regions of the Philippines affecting 35,411,090 people. Provinces include Palawan, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, negros Oriental Cebu, Bohol, Siquijor, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Sourther Leyte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Lanao del Norte, and Bukidnon, among others,”sabi ng PRC.

Idinagdag nito na napaulat na higit sa 300 ang nasawi kung saan 15 dito ang kumpirmado habang ang 120 ay biniberipika pa ng PRC.

Samantala, sinabi ng PRC na nagpapatuloy ang mga operasyon nito para sa clearing, pamamahagi ng pagkain at tubig sa iba pang lalawigan, lalo na sa mga pinaka-naapektuhan kabilang ang Cebu, Bohol, at Palawan. Mahigit 117 libong bahay ang nasira, at libu-libong pamilya ang naiwang walang pangunahing pangangailangan.

“Tuloy-tuloy and tulong ng Red Cross sa mga nangangailangan,’ ani Gordon.

“We are here to alleviate human suffering and provide hope to our fellowman,” dagdag niya.

Dhel Nazario