Arestado ang dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon City Police Station (MCPS) noong Linggo, Disyembre 19.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Jamica Pamandanan, 24, at Vicente Mendiola, 33, parehong alang trabaho at residente ng Bgy. Portrero, Malabon City.

Pinangunahan nina Police Lt. Alexander dela Cruz, SDEU officer-in-charge, atPolice Col. Lt. Albert Barot, MCPS assistant chief of police ang buy-bust operation dakong alas-3:00 ng umaga sa University Ave. sa Bgy. Potrero.

Ayon sa ulat, nahuli ang mga suspek nang magbenta ito ng pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang P500 sa isang poseur-buyer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober ng operatiba ang siyam na gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang P61,200.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Pamandanan at Mendiola.