Arestado ang tatlong drug suspects sa Taguig sa isinagawang dalawang buy-bust operations sa lungsod nitong Disyembre 17 at 18.

Isinagawa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Taguig Police ang buy-bust operation noong Disyembre 17 sa Purok 6A, Barangay Street, Bgy. Lower Bicutan, Taguig na nagresulta sa pagka-aresto ng suspek na si Ronald Hight, 48.

The drugs confiscated by the police during the two buy-bust operations in Taguig (Taguig police)

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Narekober mula sa suspek ang siya na plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 12.5 gramo na may tinatayang halagang P85,000, P200 buy-bust monday at dalawang P1,000 bill.

Nagsagawa muli ng isa pang buy-bust operation noong Disyembre 18, sa Maestrang Pinang Street, Samama Compound sa Bgy. Ligid-Tipas, Taguig. 

Naaresto ng opratiba si Roberto del Monte, 51, at Dave Dimaguila, 21, parehong residente ng Taguig.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang plastic ng sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang timbang na 3.8 na gramo na may halagang P25,840 at P200 buy-bust money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kasalukuyang nakakulong ang mga ito sa Taguig Station Detention Management Unit at itu-turnover ang mga naturang ebidensya sa Southern Police District Forensic Unit para sa pagsusuri.