Inaasahan na naman ang panibagong big-time price increase sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa paunang kalkulasyon ng mga kumpanya ng langis, magdadagdag ang mga ito ng mula ₱1.20 hanggang ₱1.65 per liter sa kanilang produkto sa Martes, Disyembre 14.

Sa presyo ng gasolina, aabot ng mula ₱1.55 hanggang ₱1.65 per liter ang kanilang ipapatong at dadagdagan naman ng mula ₱1.25 hanggang ₱1.35 kada litro sa diesel.

Ang naturang dagdag-presyo na resulta ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado ay inaasahang sasalubungin ng protesta ng ilang transport sector.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20