Isa sa mga naungkat na isyu sa panayam ni Ogie Diaz sa komedyanteng si Inday Garutay nitong Disyembre 7, ay may 'nakaraan' pala silang hindi pagkakaunawaan ni Unkabogable Star Vice Ganda?

Nagsimula kasi ang lahat nang mapanood ni Inday Garutay ang isa sa mga latest vlog ni Vice kasama ang mga kaibigang komedyanteng sina MC at Lassy habang sila ay nasa New York City at kumakain ng halal. Naglaro sila ng 'Sino ang ihahalal ni Vice Ganda'.

Isa sa mga tanong na sinagot nila ay kung sino sa mga komedyanteng kakilala nila ang hindi nakakatawa. Nagbigay sila ng mga pangalan na ino-nominate nila. Sabi ni MC, si Inday Garutay daw, si Lassy naman ay si Janelle Jamer, at si Vice Ganda naman ay si Anton Diva.

At ang pinili nilang tatlo, na sabay-sabay nilang binigkas, ay si Inday Garutay.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Para kay Inday Garutay, hindi lang siya nasaktan dito kundi nainsulto siya. Hindi naman daw kasi sila magkaibigan ni MC.

Alam naman daw ng lahat kung gaano kalakas ang impluwensya ni Vice Ganda. Paano raw kung may maniwala sa mga pinagsasasabi nila sa vlog, bagama't may disclaimer naman sila na katuwaan lamang ito? Ito pa naman daw ang 'bread and butter' niya, at paano kung wala na raw kumuha sa kaniya dahil 'hindi siya nakakatawa?'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/07/buwelta-ni-inday-garutay-kina-vice-mc-at-lassy-hindi-ako-na-hurt-nainsulto-ako/

Dahil dito, nabanggit ni Inday Garutay ang naging isyu sa pagitan nila ni Vice Ganda noong 2010.

“Actually, meron… 2010, of course playing safe si Jegs kaya sinabi niyang pinagpahinga pero alam ng mga kasama namin sa sing-along na pinatanggal niya ako talaga,” pahayag ni Inday Garutay.

Tiyak naman daw niyang ide-deny lang ito ni Vice kaya wala na siyang sama ng loob dito.

"Okay naman daw sila ni Vice, sa katunayan ay may isang event pa nga rs'aw na nagkawayan silang dalawa, pero hindi lamang niya maiwasang mag-react at mag-post pa sa Facebook na inihalintulad niya sina MC at Lassy sa 'Gargoyles' dahil sa initial reaction niya nang mapanood ito. Hindi na nga raw niya natapos ang panonood dahil siya ang isa sa mga subject nila.

“Cause and effect lang. Siyempre ano ba ang cause? Sila ang nauna. Ito ang effect. Tao lang, eh. Hindi naman ako santo… natural lang sa akin na mag-react,” pahayag pa ni Inday Garutay.

“Hindi naman siguro ako kukunin ng TV5, ng Sunday Pinasaya (noontime show ng GMA Network noon), ng mga gag show na maging gagwriter, scriptwriter kung hindi ako nakakatawa."

“Hindi ako kukunin ni Al Tantay na maging scriptwriter sa mga movies kung hindi ako nakakatawa,” pahayag pa ng komedyante.

Nasa kampo na umano nina Vice, MC at Lassy kung hihingi sila ng dispensa sa kaniya, ngunit kung hindi naman ay ayos lamang daw sa kaniya.

Samantala, as of this writing ay wala pang pahayag o tugon ang tatlo tungkol sa isyung ito.