Naglunsad ng loan program ang Government Services System (GSIS) para matulungan ang mga miyembro at kanilang mga pamilya na makabili ng mga computer para sa kanilang remote work o online classes.

Sa ilalim ng GSIS computer loan, maaaring humiram ng P30,000 ang mga miyembro para makabili ng desktop o laptop computer.

Sa naganap na Laging Handa briefing, sinabi ni GSIS Dumaguete Branch Manager Igmido Pomay Jr. na ang utang ay babayaran sa loob ng tatlong taon sa interes na 6 percent kada taon.

“Ang GSIS Computer Loan ay may inilunsad ng GSIS para makatulong sa lahat ng naka-work-from-home na GSIS pensioners pati na rin ang nasa remote learning na kanilang mga anak,” sabi ni Pomay.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Aniya pa, ang loan ay mayroong monthly amortization na P983.33.

Kwalipikadong mag-aplay sa Computer Loan ay mga aktibong miyembro na nagbayad ng hindi bababa sa tatlong buwan ng premiums; mayroong permanenteng appointment; hindi on leave of absence without pay; walang nakabinbin na administrative o criminal case; walang atraso sa ilalim ng GSIS Financial Loan; walang past due GSIS loan maliban sa housing loan; at wala sa ilalim ng mga suspendidong ahensya.

Maaaring mag-apply ang mga interesadong miyembro sa counter sa pamamagitan ng mga drop box sa mga opisina ng GSIS, sa pamamagitan ng eGSISMO, via email sa handling branch, sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) Kioks, o sa pamamagitan ng GSIS Touch.

Gabriela Baron