Maaari na muling bisitahin ng mga pamilya sa Malabon ang Heritage Library Museum sa Brgy. Hulong Duhat upang makapagbonding at alamin ang kasaysayan ng lungsod matapos itong muling buksan sa publiko noong Miyerkules, Disyembre 1.

Pinangunahan ni Mayor Antolin "Lenlen" Oreta III ang nasabing aktibidad kasama ang kanyang kapatid na si second district Rep. Jose Lorenzo "Enzo" Oreta.

Sa isang Facebook post, sinabi ng alkalde na ang muling pagbubukas ng museo ay magiging tulong sa pagbibigay kaalaman ng mamamayan tungkol sa kasaysayan at kultura ng lungsod.

Ang Malabon Heritage Library Museum ay binuksan ng lokal na pamahalaan noong 2019 upang mapanatili ang kultura nito.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Ngunit noong 2020 ay pansamantala itong isinara dahil sa COVID-19 pandemic.

Aaron Dioquino