Pagbabawalan ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 1,049 na tauhan nito sa pagganap sa kanilang mga tungkulin bilang pagsunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Sinabi ni PNP chief Gen. Fionardo Carlos na noong Dis. 3, 1,040 na tauhan pa lamang ang tumatangging magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) nang walang lehitimong dahilan.

Ang bilang ay katumbas ng 0.45 percent ng PNP. Nasa 99 percent na sa hanay ng pulisya ang ganap na bakundao.

“We have exerted all effort to convince our personnel to be vaccinated against COVID-19. We understand that this may be a matter of their personal choice but our priority is the general welfare at this time of pandemic,” sabi ni Carlos.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“The way to go is to educate them about the benefits instead of just forcing them. We will invite health experts to have a session with them,”dagdag niya.

Ngunit sinabi niya na patuloy na nilang hihikayatin ang mga natitirang mga tauhan ng pulisya na tanggapin ang kanilang bakuna.

Batay sa resolusyon ng IATF, ang mga pampubliko o pribadong empleyado ay dapat magbigay ng proof of vaccination kung nais nilang payagang mag-ulat para sa trabaho at makapasok sa mga sangay.

Ang mga hindi pa nabakunahan na empleyado ay maaari lamang bumalik sa trabaho kapag nagpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na isusumite kada dalawang linggo.

Ang mga empleyadong partially vaccinated kung saan ang iskedyul ng pangalawang dose ay lipas na, ay kinakailangang sumailalim at magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo hanggang sila ay ganap na mabakunahan.

Kung hindi makapagsumite ang mga empleyado ng negatibong resulta ng RT-PCR, mamarkahan sila bilang absent na awtomatikong sisingilin sa natitirang sick leave credits.

Kung sakaling wala na ang mga sick leave, maaaring mag-apply ang kumpanya para sa mga available na vacation leave. Kung wala ang parehong leave credits, ilalapat ang no-work no-pay rule.

Sinabi ni Carlos na sasangguni ang PNP sa IATF sa lawak ng konsiderasyon para sa maaaring lehitimong dahilan tulad ng iba pang komplikasyon sa kalusugan.

“But what is clear is that the PNP isn’t exempted from this latest IATF decision and it is our duty to comply. Being law enforcers mean setting an example as law-abiding individuals,”sabi ni Carlos.

Aaron Recuenco