Good news sa mga motorista.

May napipintong pagpapatupad muli ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Disyembre 7.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng P2.70 hanggang P2.80 ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, at P2.50 -P2.70 marahil ang ibababa naman sa presyo ng gasolina.

Ang nagbabadyang price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sakaling ipatupad ito na ang ikalimang bugso ng oil price rollback ng mga kumpanya.

Noong Nobyembre 30, inirollback sa  P1.10 sa presyo ng gasolina, P0.60 sa presyo ng diesel at P0.50 naman sa kerosene.

Bella Gamotea