Kinumirma ng estado ng New York ang limang bagong kaso ng mas nakakahawang variant ng COVID-19 o Omicron.

Kasalukuyan nang mayroong walong kaso ng Omicron sa nasabing lugar, pagkukumpirma ni Kathy Hochul, gobernador ng estado.

"New York State has confirmed five cases of the omicron variant," tweet ni Hochul.

Hindi man inaasahan ng estado ang mga kaso ng bagong variant ay siniguro naman nito na maiiwasan ang pagkalat ng Omicron.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

"Let me be clear: This is not cause for alarm. We knew this variant was coming and we have the tools to stop the spread," ani ng gobernador.

Nagpaalala ito sa publiko na sundin mga mga health protocols kontra COVID-19.

"Get your vaccine. Get your booster. Wear your mask."

Hindi pa sigurado ng pamahalaan ng New York kung ang mga bagong kaso ng Omicron ay mula sa kababalik lamang ng estado.