Kung marami ang naseseksihan at nagagandahan sa estado ng katawan ngayon ng aktres na si Kris Bernal, inamin niyang siya mismo ay nakararanas ng insecurity sa kaniyang sarili, lalo na kapag nakikita niya sa salamin ang kaniyang katawan.

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 28, sinabi niya na isa sa mga bahagi ng katawan niya na nais naman niyang magkalaman-laman ay ang balakang.

Screengrab mula sa IG/Kris Bernal

Karina Bautista, PH navy reservist na

"May all the food I eat go straight to my balakang," aniya.

Aniya, kahit siya mismo ay nakararanas na hindi niya gusto ang nakikita niya sa kaniyang sarili kapag tumitingin siya sa salamin. Kaya ang ginagawa niya, hindi na lamang niya inihahambing ang sarili sa ibang tao.

"A lot of people assume that I am confident in my body but it's actually something I struggle with too. There are days where I love the way I look but there are also days where I hate the way I look but it's so important to try to find a middle ground: Treat yourself with kindness, wear something comfortable, try not to compare yourself with others and not to body check in mirrors, and continue to eat, and go about your day as best you can."

Paalala niya sa lahat, "Remember, it's progress over perfection! This is just a reminder that you're strong & worthy!! And, you are more than your body!"

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"I love your body just the way it is. Be more confident."

"You are beautiful! And I believe that what we have rin someone na sasabihin 'sana ganyan din katawan ko'. Take care always, Kris!"