Umani ng reaksiyon at komento ang naging tila "parinig" ng komedyanteng si Kakai Bautista sa mga taong hindi kakain ng karne sa Semana Santa, partikular sa nagdaang Biyernes Santo, pero aniya ay pumapatol naman sa asawa.
Mababasa sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Abril 3, "Hindi ka kakain ng KARNE sa Byernes Santo, Pero Pumapatol ka sa may asawa."
Kaya hirit na payo na lang niya, "Mag gulay ka nalang bhie."
Sa comment section ng post, may pahabol pa si Kakai para sa mga tila nasapul sa kaniyang post.
"Aba eh wag nyong itag dito ang shubet ng mga asawa nyo. ASAWA meaning KASAL kayo. LEGAL."
"Buburahin ng ADMIN ko ang mga parinig, tag, sagutan. KUNG MAY PROBLEMA kayo sa PAMILYA ayusin nyo in Private."
"WAG sa Ka-CHEAPAN sa Social Media. Isipin nyo palagi ang kahihiyan at TRAUMA nyan sa mga anak nyo, Ok?"
Photo courtesy: Screenshot from Kakai Bautista/FB
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Considered as gulay din daw po un, pechay ni shubet. O kaya tilapia ni shubet pasok pa din daw sa mahal na araw, kc nagmahal lang daw sila... Char!"
"Too risky to share hahahaha."
"Daming tinamaan siguro nito. Buti nalang kumakain kami nang Karne kahit webes o Byernes."
"Ibang karne pala hahaha."
"Puwede na sa Sabado De Gloria magkarne hahaha."
Tila benta naman ito sa mga netizen dahil umabot sa 20k ang reactions, 1.4k shares, at 307 comments ang engagement ng nabanggit na post.