Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kamakailang kumakalat na ulat sa social media na “emergency lockdown” sa bansa dahil sa Covid-19 Cicada Variant.
Mariing binanggit ng DOH sa inilabas nilang abiso noong Biyernes, Abril 3, na nananatiling ligtas ang Pilipinas mula sa variant na ito ng Covid-19.
Kaya pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa mga naglipanang fake news sa social media at ipinaalala ring tiyakin na alamin ang tamang impormasyon mula lamang sa kanilang lehitimong media platforms.
Tiniyak din ng DOH, na tuloy-tuloy ang pagseserbisyo ng DOH hospitals sa bansa sa kasagsagan ng Semana Santa sa sinumang mangangailangan ng tulong.