April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Heat index sa Iloilo, umabot sa ‘danger level’ ngayong Sabado de Gloria!

Heat index sa  Iloilo, umabot sa ‘danger level’ ngayong Sabado de Gloria!
Photo courtesy: DOST-PAGASA (FB), Unsplash

Naitala sa Dumangas, Iloilo ang pinakamataas na temperatura sa buong bansa ngayong Sabado de Gloria, Abril 4.

Ayon sa tala ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), pumalo sa 46°C ang heat index sa Dumangas. 

Ang temperaturang ito ay pasok sa “danger” level kung saan ang mga naninirahan o bisita sa lugar na ito ay maaaring makaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kung patuloy ang pagbababad sa init. 

Inaasahang bahagyang bababa sa 42°C ang temperatura sa Dumangas pagdating ng Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5. 

Bilang pag-iingat, ipinaalala ng DOST-PAGASA sa publiko na limitahan ang kanilang oras ng paglabas, maagap na pag-inom ng maraming tubig, paggamit ng payong, sombrero, at pagsuot ng damit na may manggas kung hindi maiwasang lumabas. 

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

KAUGNAY NA BALITA:  ALAMIN: Mga dapat gawin para maiwasan ang heat stroke

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang recommended sunscreen SPF para maiwasan pagkasunog ng balat sa araw?