Muling nagpakitang gilas ang Kpop star at EXO member na si Kim Jongin o Kai para sa kanyang pangalawang solo mini album na 'Peaches,' ngayong araw, Nobyembre 30.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

'Peaches' rin ang title ng kanyang main track at naglalaman ng anim na kanta: Peaches, Vanilla, Domino, Come In, To Be Honest, at Blue.

Matatandaan na Nobyembre 30 rin, nakaraang taon, nang iparinig nito sa publiko ang unang mini album na KAI (开), na may main track na 'Mmmh.'

Ang Mmmh ay pumasok sa top chart ng iTunes sa lagpas 40 bansa sa buong mundo.

Umabot na sa 103M ang views ng music video ng Mmmh sa YouTube.

Samantala, nalagpasan rin ni Kai ang personal record.

Ang Peaches ay ang pinakamabilis na solo album niya na lumagpas sa 20,000 pre-order sa ktown4u. Dahil dito, nalampasan niya ang record ng nauna niyang solo album na Kai.