Good news sa mga motorista.

Napipintong magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Nobyembre 30.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, sa darating na Martes posibleng bababa ng P1.10 hanggang 1.20 ang presyo sa kada litro ng gasolina, P0.60-P0.70 sa presyo ng diesel at P0.50-P0.60 naman ang marahil na tapyas-presyo sa kerosene.

Ang nakaamba na price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sakaling ipatupad,ito na ang ikaapat na bugso ng oil price rollback ng mga kumpanya.

Sa loob ng tatlong linggong bawas presyo sa mga petsang Nobyembre 9,16 at 23, umabot na sa kabuang P2.75 ang natapyas sa presyo ng gasolina, P2.05 sa kerosene at P1.80 naman sa diesel.

Bella Gamotea