Kinumpirma ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na hindi kumuha ng permit ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pagpapatayo ng pader sa gitna ng kalsada papasok sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Bukod dito, wala rin aniyang koordinasyon ang BuCor sa pamahalaang lungsod para sa itinayong pader sa NBP Reservation sa Brgy. Poblacion nitong Biyernes ng gabi.

Ang BuCor ay pinamumunuan niDirector General Gerald Bantag.

Partikular na binanggit ni Fresnedi angkongretongpader sa kalsadang nagsisilbing access point patungong city proper.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Binanggit na ang naturang kalsadang ginagamit ng mga residente ngDepartment of Justice (DOJ) Katarungan Village 1 at 2 housing projects, at mga estudyante at guro ngMuntinlupa National High School-Main ay Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, ay katabi lamang ng residential area.

Ilang oras matapos na maitayo ang pader, giniba rin ito ng mga residente at nitong Sabado ng umaga, ginamitan din ito ng excavator upang hukayin ang kalsada.

Unang itinayo ang pader sa InsularPrison Road sa NBP nitong nakaraang Marso at idinahilan ng BuCor ang seguridad sa lugar, kahit wala nang madadaanan mga residente ng Southville 3 housing project ng pamahalaan patungong city proper.

Dahil dito, sinulatan niMuntinlupa Rep. Ruffy Biazon si Pangulong Rodrigo Duterte at ini-refer ang liham nito sa DOJ na nagsabi naman sa kongresista na mayroon umanong "absolute authority" ang BuCor na pangasiwaan ang lupaing pag-aari nito alinsunod saRepublic Act 10575 (BuCor Modernization Law).

Naghain na rin si Biazon ng isang resolusyon sa Kamara upang maimbestigahanang usapin.

Binanggit naman ni Bantag sa liham nito kay Fresnedi, bahagi lamang umano ito ng ipinaiiral na "safekeeping sa mga preso" upang tuluyan nang "malumpo o matigil ang kanilang criminal network sa labas ng piitan."

Gayunman, kinontra ito ni Fresnedi.

"Walang permit at koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod, Pamahalaang Barangay ng Poblacion, at mga residente ng Katarungan Village 1 and 2 ang itinayong pader ng BuCor.Napakaraming residente ang mawawalan ng daan papunta sa bayan dahil sa ginawa nilang harang. Mawawalan din ng access pati mga guro at mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa at Muntinlupa National High School," aniya.

“Pa-traydor na itinayo ang pader sa gitna ng gabi. Ano po ba talaga ang pakay at patagong itinatayo ang mga ito?Kagabi ay agad na nagpunta sa binakurang lugar si Congressman Ruffy Biazon, City Administrator Allan Cachuela at Department Heads ng Pamahalaang Lungsod, pati na rin si Kapitan Allen Ampaya at mga kagawad ng Brgy. Poblacion, upang kausapin ang pamunuan ng Bucor.Pinatitigil ang pagtatayo ng pader dahil kahit aplikasyon sa fencing permit ay hindi naman kumuha ang BuCor. Iligal ang inilagay nilang harang," dugtong na pahayag nito.

“Hindi nakinig ang BuCor sa paulit-ulit na paliwanag. Matapos ang ilang oras, mismong mga residente ang gumawa ng hakbang upang alisin ang harang.Hindi ito unang beses na ginawa ng BuCor. Dumaan tayo sa proseso ng pakikipag-usap sa kanila. Kaliwa’t kanan ang apila. Sumulat sa Malacañang, sa Justice Department at nagsagawa pa ng hearing sa Kongreso ang Justice Committee. Nagpasa rin ng resolusyon ang Sangguniang Panglungsod," paglilinaw ni Fresnedi.

“Kaya ngayong araw ay nagpatawag ako ng agarang pagpupulong para pag-usapan kung anong legal action ang maaaring gawin ukol sa pagbubukas ng kalsada.Ang ginawang pagharang ng BuCor sa daan ay hindi lamang pagwawalang bahala sa Lokal na Pamahalaan kung hindi malinaw na kawalang respeto sa karapatan ng mga Muntinlupeño," paliwanag pa ng alkalde.

Jonathan Hicap