Sinalubong ni Governor Jonvic Remulla sina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa Cavite Provincial Capitol sa Trece Martires nitong Nobyembre 25.
Binisita ng presidential at vice presidential aspirants ang iba't ibang local government units sa probinsya at dumalo sa paglulunsad ng Leni Lugaw trucks sa Kawit.
Sa isang post nitong Biyernes, Nob. 26, na may titulong When Politics End and Civility Begins, sinabi ni Remulla na halos hindi nila napag-usapan ng pulitika sa kanilang pagkikita.
“Malugod ko silang tinanggap bilang ama ng lalawigan at isang maginoong Caviteño," ayon kay Remulla.
“Masaya ang aming kwentuhan at palitan. Sinariwa pa nga ni Sen. Kiko ang aming kabataan sa UP Diliman."
Ayon kay Remulla, ang 2022 elections “will probably be the nastiest and most toxic election”sa kasaysayan ng bansa. Gayunpaman, tinanggap niya ang Bise Presidente nang may propesyonalismo at paggalang.
“Although we disagree on certain issues, we both agree that the people deserve a leader the Filipinos can be proud of,” dagdag pa ni Remulla.
“One who speaks not only about the country’s past but also one with a vision towards a better tomorrow. A leader who represents the peoples’ hopes and dreams and not one who incites fear amongst the people.”
Ibinahagi rin ng gobernador na may hiniling siya kay Robredo.
“Before we parted, I asked only one thing from VP Leni: ‘”No matter what happens, please do not give in to the hate.'”
Sa pagtugon sa isang tweet na nagsasabing ang pagiging neutral ay tanda ng kahinaan at ang mga Remulla sa Cavite ay "nauugnay sa mga Marcos at Duterte," may isang bagay na sinabi ang gobernador.
“There’s also a stark contrast between being neutral vs. being respectful and accommodating to all those knocking at our doors. There is no weakness in civility. The national candidates are welcome to campaign in Cavite. In the end, it’s up to the people to choose wisely,” tweet ni Remul