Nadisgrasya habang nagbibisikleta ang senatorial aspirant na si JV Ejercito nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 22, sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Sa kaniyang social media posts, ibinahagi ng dating senador na 'sumemplang' ang kaniyang sinasakyang bisikleta dahil hindi niya napansin ang isang pothole.
"Ouch! Fell hard riding alone here at Roxas Boulevard didn’t see a pothole," ani Ejercito, kalakip ang ilang mga larawan. Makikita ang malaking pasa sa kaniyang kanang noo at sugat sa kaniyang kanang siko. May gasgas din ang kaniyang bisikleta.
Agad siyang naitakbo sa isang ospital nagpa-CT scan. Maayos naman daw ang lagay ng kaniyang ulo, maliban na lamang sa namamagang bahagi ng noo.
"CT Scan results negative! Just a little swelling sa forehead area. Thank God!" saad niya sa tweet bandang 10AM.
Bandang 7:18PM, hinanap naman ni Ejercito ang UV driver na tumulong umano sa kaniya nang mangyari ang disgrasya at upang maiuwi siya sa kanilang bahay.
"Looking for the UV Express Driver who brought me home. Since I was in pain and dazed, was not able to get hold of his name. But he was able to have a pic with me I remember. Owe him a lot. As I was alone there sprawled on the street. Luckily he passed by and I flagged him."
At nitong Nobyembre 23, mukhang nakilala na niya kung sino ito.
"Salamat Kuya Art sa pagsaklolo sa akin!" ayon sa tweet niya.
Sa Facebook post naman niya, "Eto na siya si Kuya Art, ang UV Express driver na naghatid sa akin! Nalaman lang niya na ako pala hinatid niya dito na sa bahay. Kaya tunay na matulungin si Kuya. Pasensya na’t di ako makangiti dahil ramdam ko pa ang sakit. Salamat Kuya! Mabuhay ka!"
Mukhang maayos naman na ang kalagayan ni Ejercito na nakapag-post pa ng panibagong tweet kung saan makikitang may hawak siyang ice bag sa kaniyang namamagang noo.
Samantala, nalulungkot naman siya dahil may isang FP page para sa OFW na pinagtawanan pa ang nangyari sa kaniya, at inakusahan siyang nagpapapansin lamang para sa halalan.
"Have some people gone this low in socmed? Some even making fun of my accident and injuries in a page of a major daily.
"What is happening to some Pinoys?"
"We are not like this. Supposedly we are one of the friendliest people in the world," aniya sa kaniyang tweet.
Muling tumatakbo bilang senador si Ejercito sa halalan 2022.