Si National Artist Benedicto Cabrera o mas kilala bilang "BenCab" ang pinakabagong personalidad na dumagdag sa listahan ng mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo sa kanyang 2022 presidential run.

National artist Benedicto Cabrera (BenCab Museum / Facebook)

Nitong Linggo, Nob. 21, nagpost ng larawan si BenCab sa harap ng isang pine tree na mayroon maliit na pink na parol-- na nagpapahiwatig na siya ay isang kakampink.

“It’s a beautiful morning! Happy Sunday to all!” ani BenCab sa kanyang Facebook post na mayroon pink na heart at flower emoticons.

Libreng sakay sa 3-day transport strike, isasagawa lamang kung kakailanganin—MMDA

Ang "kakampink" ay kombinasyon ng salitang kakampi at pink-- na campaign color ng bise presidente.