Trending ang hashtag na 'LET ALEXA HEAR EVERYTHING' nitong Nobyembre 17 hanggang 18 dahil sa naging daloy ng usapan ng mga Pinoy Big Brother housemates na sina Benedix Ramos, Eain Rances, Brenda Mage, at Karen Bordador hinggil sa kapwa housemate na si Alexa Ilacad.

Habang nagkukuwentuhan sila, nabanggit ni Benedix kay Eian ang nararamdaman niyang 'agam-agam' sa closeness nito kay Alexa, na sa kaniyang palagay ay 'ginagamit' lamang ng aktres upang makabuo ng tambalan o love team.

Screengrab mula sa Twitter

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Marami kasing nakapapansing housemates, at maging viewers sa outside world, na parang close sina Eian at Alexa sa isa't isa.

"Takot siyang mawala ang Alien (Alexa and Eian tandem) dito.. kasi wala siyang bitbit dito. 'Yun lang ang fear ko, sana huwag. Sana mali ako, sana mali ang nao-obserbahan ko," ani Benedix kay Eian.

"Tingin ko ginagamit ka lang ni Alexa, ang loveteam n'yo dahil may supporters na."

"Noong una akala ko desidido siyang lumayo sa iyo pero noong nalaman niyang may supporters sa labas, parang okay na ulit sa kaniya," dagdag pa ni Benedix. Tila sumang-ayon naman dito si Brenda.

"Baka pakiramdam niya kailangan niya tapatan 'yun ng moments," pagpapatuloy pa ni Benedix.

Samantala, sinoplak naman sila ni Karen Bordador at ipinagtanggol si Alexa.

"Nobody is using anyone," aniya.

Dahil dito, kinausap ni Karen si Alexa at pinaalalahanan itong huwag masyadong maging malapit kay Eian.

"Basta mag-chill out ka at huwag kang lalapit sa kaniya," paalala ni Karen kay Alexa. Sumagot naman si Alexa na mahirap itong gawin sa part niya, lalo na kung malapit na siya sa isang tao.

It’s so hard for me, especially when I'm close to the person. That's who I am, I'm sobrang maalaga."

VIRAL! Fuming netizens defend Alexa Ilacad over 'PBB' 'backstabbers' –  Manila Bulletin
Karen Bordador at Alexa Ilacad (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Samantala, marami naman sa mga netizen ang nagtanggol kay Alexa at nagalit sa mga 'backstabbers' sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa sampung season ng PBB, hindi maitatangging maraming mga nabuong tambalan dito, na ang ilan umano ay naging estratehiya upang makapasok sa Big Four, bagama't ang iba ay nauwi sa tunay na relasyon, gaya na lamang nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, na ngayon ay mag-asawa na at may mga anak na rin.

Samantala, nabigyan naman ng pagkakataon si Alexa na makausap ang kaniyang ina tungkol sa kaniyang mabigat na pinagdaraanang depresyon na nakaugat sa 'body dysmorphia disorder' batay na rin sa espesyalista.

"I see myself differently than how it looks. When I look in the mirror I feel disgusted. I despise the person I see in the mirror,” emosyunal niyang pag-amin kay Kuya.