Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagkalipat ng sana'y November at December Dentist Licensure Examination (DLE).

Sinabi ng PRC na ang written phase ng pagsusulit ay gaganapin na mula Enero 12 hanggang 14, habang ang practical phase ay isasagawa mula Enero 6 hanggang 11.

Ang written examination ay orihinal na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang 30 at Disyembre 1 hanggang 10 para sa practical phase.

Ang PRC Baguio, Cebu, Davao at Iloilo ay itinalaga bilang mga karagdagang testing center sa Enero 2022 DLE upang matugunan ang bilang ng mga sasailalim sa pagsusulit na hindi ma-accommodate ng PRC-National Capital Region dahil sa mga limistasyon sa venue, materyales at pasilidad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gabriela Baron