Dalawang ahas ang nakasama umano sa natanggap na package ng isang customer sa nabili nitong folding bed mula sa isang e-commerce.

Sa Facebook post ni Are Jhae Libunao, ipinakita nito ang larawan ng dalawang ahas na mula di umano sa order nito.

"Lazada ano to bakit may ahas na 2 sa loob jusko muntik pa kami ano to freebies," caption ni Libunao sa kanyang post.

Ayon sa report, tinaga ang ahas hanggang sa mapatay ito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Dagdag pa ni Libunao, nai-report na ito sa Lazada.

Samantala, tumugon naman ang Lazada patungkol sa nangyaring insidente.

"Lazada is actively working with the relevant parties including our customer to investigate the incident. We are relieved that they are safe, and our priority is that their physical and mental well-being is looked after," pahayag ng Lazada.

Hinikayat naman nito na patuloy na i-report ang mga ganitong insidente upang masiguro ang kaayusan ang kaligtasan ng mga customers.

"We thank our customer for bringing this to our attention and we continue to encourage the public to help flag such incidents to us. Together, as a vigilant community, we can help maintain a safe and secure online shopping experience for all."