Suspindido ng dalawang laro at may kaakibat pang multa na 100,000 yen si Thirdy Ravena matapos niyang masira ang sponsor signboard ng Toyama Grouses matapos ang kanilang laro sa Japan B.League noong nakaraang Linggo.

Ito ang inihayag ng San-En Neo-Phoenix, ang koponan ni Ravena nitong Miyerkules.

Naungusan ang NeoPhoenix ng Toyama, 89-90,matapos magmintis si Ravena sa kanyang dapat sana'y game-tying free throw maging sa ginawa niyang putback attempt.

Nauwi sa wala ang best game ni Ravena sa ongoing 2021-22 B.League season sa naitala niyang 26 puntos, 9 rebounds, 5 assists, at 3 steals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"There's an act of beating and damaging the sponsor signboard of the court end after the game was over," pahayag sa pamunuan ng San-En.

Inayakan ni Ravena ang nasabing pagkatalo kung kaya inalo pa ito ng kanyang mga teammates at coaches gayundin nina Toyama imports Joshua Smith at Dwight Ramos.

"We deeply apologize for the inconvenience caused to Toyama Grouses, Toyama Grouses partner companies, and all concerned. We also apologize for making the visitors feel uncomfortable," ayon pa sa San-En.

Dahil sa suspensyon, hindi makakalaro si Ravena sa Disyembre 4 at 5 laban sa Seahorses Mikawa.

Marivic Awitan