Aprubado na ng Commission on Higher Education (CHED) noong Nobyembre 17, ang pagbabalik sa face-to-face classes ng nursing at physical therapy sa Universidad de Manila (UDM).

Ang pagbabalik ng onsite classes ay magsisimula ngayong Huwebes, Nobyembre 18, ayon kay UDM President Felma Carlos-Tria.

Nagsisimula na ring maghanda ang nasabing unibersidad para buksan ang ilang pang kurso para sa onsite classes.

“Although these are the first two courses that will go on limited face-to-face (classes), we are already preparing the facilities for our other programs as well,” ani Carlos-Tria.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Siniguro naman ng pamahalaan ng unibersidad na masusunod ang mga health protocol sa loob ng paaralan.

Nakipag-ugnayan na rin ito sa Depart of Health at Manila Health Department.

“Our safety measures include following a rigid schedule for disinfection, students staying in the classroom, implementing a staggered and cyclical schedule to ensure that the students won’t be coming in and won’t be dismissed at the same time, providing alcohol dispensers in every room, and ensuring well-ventilated classrooms,” ani ng presidente ng unibersidad.

Seth Cabanban