Game na game 'makipagbasagan' sa social media ang Kapuso hunk actor na si David Licauco, na bibida umano sa balak na TV adaptation ng pelikulang 'Mano Po', katambal ang aktres na Barbie Forteza, sa GMA Network.

Kalerkey naman kasi ang isang netizen na bigla na lamang kumuda kung bakit ipapareha si Barbie sa isang 'jutay' na kagaya ni David.

Ang salitang 'jutay' o 'juts' ay pabalbal na termino na tumutukoy sa maliit lamang na size o sukat ng pag-aari ng isang lalaki.

Kaya sagot ni David, "Malaki siya, besh!" na tumutukoy sa kaniyang pribadong bahagi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noon pa man ay sinasgaot at hindi takot si David na sagutin ang mga personal na tanong sa kaniya ng mga netizens. Gaya halimbawa sa tanong na "Ilang inches ang alaga mo', ang sagot niya ay '8'.

May mapangahas pang nagtanong kung 'nakapagsarili' na ba siya noong araw na iyon. Sagot ni David, "Yup, dami times!"

Kaya naman, pabirong tanong ng mga netizens sa kaniya, "Nasaan ang proof, David Licauco?"

Si David Licauco ay 27 taong gulang at isang actor at model. Nagtapos siya ng high school sa Grace Christian College at college naman sa De La Salle–College of Saint Benilde.

Larawan mula sa IG/David Licauco

Larawan mula sa IG/David Licauco

Larawan mula sa IG/David Licauco

Larawan mula sa IG/David Licauco

Bagama't nagsimula sa pagmomodelo, paglalaro ng basketball at pagnenegosyo, pinasok ni David ang mundo ng pag-arte sa ABS-CBN. Noong 2016, siya ay nasa ilalim na ng pamamahala ng GMA Artist Center.

Nitong 2021 ay kinakiligan ng mga netizens ang romantic comedy series nila ni Julie Anne San Jose na 'Heartful Cafe' na binubuo ng 40 episodes.