Hindi naitanggi ng Netflix original series 'Squid Game' actor Lee Jung Jae ang pagiging fan sa batikang award-winning Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Lee Jung Jae ang larawan nilang dalawa ni DiCaprio.

Umabot na rin ito sa 1.1M likes.

Nagkita ang dalawa sa LACMA Art Film Gala noong November 6, sa Los Angeles.

Internasyonal

Legarda, unawa pamboboykot sa 2025 FBF: 'But walking away is not the only form of resistance'

Kasama ni Lee Jung Jae sina Lee Byun Hun, Park Hae Soo at Director ng Squid Game na si Hwang Dong Hyuk.

Matatandaang kamakailan lamang, inanunsyo ng Netflix na umabot na sa 111 milyon ang streaming views ng Squid Game — kasalukuyang no. 1 sa Netflix.

“Squid Game has officially reached 111 million fans — making it our biggest series launch ever!” pahayag ng Netflix sa Twitter account nito.