Unang umalis sa sikat na Pinoy Big Brother (PBB) house sa latest edition ng programa ang tinaguriang “Ang Mr. Mixed Martial Ama ng Laguna” na si John Adajar nitong Sabado ng gabi, Nob. 6.

Nitong nakaraang Linggo, si John ang nakakuha ng pinakamaraming nomination to evict sa kanyang housemates sa 11 puntos kabilang sina KD Estrada na nakakuha ng 6 puntos at si Karen Bordador na nakakuha ng 5 points.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Via Pinoy Big Brother Youtube channel

Sa pinagsamang vote to evict at vote to save ng mga nominadong housemates, si John ang nakakuha ng pinakamababang porsyente ng boto na nasa 00.30 percent lang.

Bago pumasok sa PBB house, si John ay naging two-time welterweight MMA champion. Naging kinatawan din si John sa Mister Supranational 2021 sa bansang Poland kung saan umabot siya sa Top 20.