Kumpiyansa si Pangulong Duterte na ang isang anti-political dynasty law sa Pilipinas ay hindi kailanman uusad hangga’t hindi nababago ang kultura sa bansa.
Ito ang pahayag ni Duterte matapos niayng pamunuan ang ilang pangunahing infrastructure prokjects sa Siargao noong Sabado, Nob. 6.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang pagdedeklarang ilegal ang mga political dynasties sa bansa ay isang mahabang proseso.
“We are all the same. But the provision in the Constitution about political dynasty, it will never push through no matter how hard they try,” ani Duterte sa magkahalong lenggwaheng Bisaya at English.
“It will never be passed not because we do not want it or we want it but the people,” dagdag niya.
Inalala ni Duterte mula sa kanyang sariling karanasan kung paano patuloy na inihalal ng mga tao ang kanyang mga anak matapos ang kanyang pamumuno bilang alkalde sa Davao City.
Kasalukuyang ang anak na si Sara-Duterte-Carpio ang mayor ng Davao City habang ang kanyang bunsong anak na si Sebastian ay bise-alkalde nito. Ang kanyang panganay na anak na si Paaolo ay kinatawan naman ng unang distrito ng Davao City sa Kongreso.
Ayon sa Pangulo, hindi masama ang mga political dynasty, at ang pagkakaroon ng batas laban sa mga ito ay “contrary to human behavior”
“Unless you change the whole picture, unless you change the constitution, unless you change the culture, puwede pa siguro,” pagpupunto ng Pangulo.
“Pero og ani lang gihapon (But if we stay like this), we will have dynasties. And dynasties are not bad,”pagpapatuloy ng Pangulo.
Gayunmman, inamin ng Pangulo na maaaring may mga problema ilalim ng mga political dynasty.
“The problem with dynasties is if the family who rules the city monopolizes the businesses, kill their enemies, and then later on in some areas, it is the mayors themselves who would lead the drug trade,” ani Duterte.
Noong 2018, sinabi ni Pangulong Duterte na suportado niya ang anti-political dynasty bill ngunit duda siya noong ipapasa ito ng Kongreso.
Argyll Cyrus Geducos