Naitala pa ng Philippine National Police (PNP) ang 15 pang karagdagang nahawaan ng coronavirus disease 2019 sa kanilang hanay.

Sa datos ng health service ng PNP, umabot na sa 42,017 ang kabuuan ng kaso ng sakit sa mga miyembro nito hanggang nitong Linggo, Nobyembre 7.

Gayunman, nananatili pa rin sa 123 ang bilang ng binawian ng buhay sa PNP.

Nitong Linggo, naitala rin ng PNP ang 34 na bagong nakarekober sa sakit kaya aabot na ito sa kabuuang 41,575.

National

LPA sa loob ng PAR, nabuo na bilang bagyong 'Igme'; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

Ang aktibong kaso ng sakit sa PNP ay umabot na sa 319.