Good news sa mga motorista.
Matapos ang 10 linggong sunud-sunod na oil price hike, nagbabadyang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na Nobyembre 9
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bababa sa Martes ng P1.10 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.65-P0.75 sa presyo ng kerosene at P0.60-P0.70 sa presyo naman ng diesel.
Ang napipintong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Noong Nobyembre 2, huling nagtaas ng P1.15 sa presyo ng gasolina habang inirollback sa P0.35 ang diesel at P0.30 naman sa kerosene.
Bella Gamotea