Umaabot na lamang ngayon sa mahigit 38,000 ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 1,591 bagong kaso ng sakit nitong Miyerkules, Nobyembre 3.

Naitala rin ng DOH ang 4,294 na bagong nakarekober sa naturang karamdaman.

Sa case bulletin #599 ng DOH, umaabot na sa 2,793,898 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.4% na lamang o 38,014 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Kabilang sa active cases ang 69.4% na nakakaranas ng mild cases, 13.87% na moderate cases, 8.1% na severe cases, 5.2% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 3.4% na kritikal.

Mayroon ding 186 pasyente na namatay nitong Miyerkules dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, aabot na sa 43,586 ang COVID-19 deaths o 1.56% ng total cases.

Mary Ann Santiago