Hindi nawawalan ng pag-asa ang presidential aspirant na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na magbabago ang pasya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at tatakbo ito sa pagkapangulo sa Halalan 2022.

Sabi ng senador, nakita niya sa mga mata ni Sara ang “burning patriotism” sa kanilang huling pagkikita.

“I’m not losing hope until November 15. I saw the burning patriotism in her eyes while we were talking,” sabi ni Bato.

Makailang beses nang sinabi ng senador na handa niyang abandonahin ang kanyang presidential bid sa oras na tumakbo ang alkalde.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa nito, si Duterte-Carpio ang “most winnable among the presidential bets” sa mga surveys.

“My personal interest can take a backseat in favor of the most winnable candidate who can surely provide continuity to the Duterte legacy. Six years of Duterte presidency is not enough to reform this country,” sabi ni Bato.

“We need another six years of another iron-fisted Duterte brand of leadership to hopefully transform this country closer to the Singaporian model,” dagdag ng senador.

Sa ilalim ng kasalukuyang patakaran ng Commission on Elections (Comelec) maari pang palitan ng isang substitute member ang sinumang naghain ng certificate of candidacy (COC) hanggang Nobyembre 15.

Ilang beses namang iginiit ni Sara ang pagtatapos ng kanyang huling termino bilang alkalde ng Davao.

Samantala, nauna nang itinanggi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, pangulo ng PDP-Laban, na “party position” ang substitution offer ni Bato kay Sara.

“That is just a personal statement or personal offer of Sen. Bato to Mayor Inday Sara,” sabi ni Cusi.

Hannah Torregoza