Posibleng simulan na sa Nobyembre ang pagsasagawa ng clinical trial ng Ivermectin bilang panggamot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Sa isang television interview, ipinaliwanag ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na nirerebisa pa nila ang kanilang protocol bago simulan ang clinical trials.

Nauna nang inihayag ng opisyal na nirerebisa na nila ang pamamaraan ng pagsasagawa ng clinical trials upang maiwasan ang usapin ng data manipulation at data validity.

"Hopefully dahil pangalawang postpone na ito, November 15 ay mauumpisahan na natin. Maraming lugar ang pagdadausan nito. Hindi naman ito kamukha ng bakuna, mahaba ang intervention," paglilinaw ni dela Peña.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

"Hopefully, by the end of the year, makapagbigay kami ng first report," dugtong na pahayag ng opisyal.

Noong Abril, inanunsyo ng DOST na magsasagawa sila ng clinical trials upang madetermina kung maaaring gamitin ang Ivermectin na panggamot ng COVID-19.