Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na papayagan na ang mga simbahan na makapag-accommodate ng hanggang 50% ng kapasidad ng mga ito.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, kung higit pang bababa ang alerto sa Level 2 ay baka maaari pang mapayagan ang hanggang 100% capacity ng mga simbahan.

Tiniyak naman niya na kung mangyayari ito ay mapapanatili pa rin nila ang mahigpit na health protocols.

"Sana ay mga 50%. Sana kung bababa pa ang level ng appreciation sa cases, gawin nilang level 2, gawing 100% 'yan. Pero andun pa rin sana ang pag-maintain ng health protocols," ayon kay Secillano, sa panayam sa teleradyo.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Matatandaang ang Metro Manila at pito pang lugar ay nasa ilalim na ng COVID-19 Alert Level 3 hanggang Nobyembre 14.

Sa ilalim ng naturang alerto, pinapayagan ang religious gatherings sa maximum na 30 percent venue capacity.

Mary AnnSantiago