Nagpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na panatilihin sa alert level 3 ang National Capital Region (NCR) sa unang dalawang linggo ng Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual press conference nitong Biyernes, Oktubre 29, nagdesisyon ang IATF sa pamamagitan ng Resolution No. 146-A.

Inaprubahan din ng COVID-19 pandemic task force ang rekomendasyon na palawigin pa ang pilot implementation ng Alert Levels System (ALS).

Kabilang sa ALS pilot expansion para sa Nov 1 hanggang 14 ang Region 3, 6, at 10 at Baguio City bilang lugar para sa special monitoring.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Roque, na nagsisilbi ring tagapagsalita ng iATF, na ang mga sumusunod na lalawigan, highly urbanized na lungsod, at mga independent component na lungsod ay dapat lagay sa ilalim ng mga sumusunod na alert levels:

Isasailalim ang Aurora, Bacolod City, Negros Oriental, at Davao Occidental sa alert level 4.

Alert level 3 naman sa Bataan, NCR, Cavite, Laguna, Rizal, Iloilo City, Siquijor, Lanao del Norte, Davao City, at  Davao del Norte. Kabila na rin ang Baguio City bilang isang lugar para sa special monitoring.

Alert Level 2 sa Angeles City, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Batangas, Quezon Province, Lucena City, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental.

Matatandaan na ang ALS ay dating eksklusibong ipinatupad sa NCR bilang isang paraan upang subukan ang limitadong pagbubukas ng mga negosyo sa gitna ng pandemya.

Ellson Quismorio