Nakatikim na ng bakuna kontra COVID-19 ang mahigit 100 student athletes ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa isinagawang pagbabakuna sa Jose Rizal University sa Mandaluyong City.

Ang idinaos na bakunahan ay bahagi ng vaccination campaign ng Commission on Higher Education (CHEd) para sa mga estudyante sa kolehiyo at may layuning unti-unting makabalik sa physical training at paglalaro.

Paliwanag naman ni Fr. Victor Calvo ng Colegio de San Juan de Letran, balak nilang ituloy ang face-to-face training ng mga NCAA student athletes ngayong Nobyembre habang plano naman nilang simulan ang mga laro para sa NCAA Season 97 sa darating na Pebrero 2022.

Marivic Awitan

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!