Pormal na binuksan ang ika-146 Malasakit Center sa Las Piñas General Hospital and Trauma Center nitong Miyerkules, Oktubre 27.

Pinasalamatan ni Mayor Imelda Aguilar si Senator Bong Go para sa pagbubukas ng Malasakit Center sa lungsod, kung saan sinabi nitong malaking tulong ito sa mga kinakapos na residenteng kailangan ng financial at medical assistance.

Screegrab mula sa Facebook live ng Las Piñas General Hospital and Trauma Center

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dinaluhan ni Go, Vice-Mayor April Aguilar, Congresswoman Camille Villar, at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villa ang ceremonial opening ng Malasakit Center.

Dagdag ni Aguilar, ang pagbubukas ng Malasakit Center sa lungsod ay dagdag na hakbang ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga residente ng Las Piñas.

Jean Fernando