Negatibo kaagad ang reaksyon ng isa sa opisyal ng Kamara laban sa draft bill ni Ombudsman Samuel Martires na nagsusulong na amyendahan ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) Law na may layuning parusahan ang sinumang mamamahayag na pumupuna sa naturang dokumentong naisumite ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.

"How a public official generates his wealth is a matter of public concern, thus, information regarding his or her SALN should not be withheld,”paglalahad ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 4th District Rep. Jesus Suntay.

Reaksyon ito ng kongresista sa nasabing draft bill na ipinadala ni Martires sa mga mambabatas sa pag-asang maisusulong ito sa Kongreso

“The SALN is a public document if should be made available to the public.Ibelieve mediashould not be restricted from commentingin publishedSALN of any government official,” pagdidiinng kongresista.Partikular na pinaaamyendahanni Martires angRepublic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Gayunman, nilinaw ni Suntay na sa ilalim ng Section 8 ng Republic Act 6713, tungkulin ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na gumawa at magsumiteng kanilang sinumpaang deklarasyon ng kanilangassets, liabilities,networth, financial at business interests, kabilang na ang kanilang mga asawa at mga anak na menor de edad.

Binibigyang-diin aniya ng nabanggit probisyon na "may karapatan ang publiko na malaman" ang SALN ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan.

Ben Rosario