Pinataob na naman ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Hotshots sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State University gym in Bacolor, Pampanga. nitong Biyernes ng gabi.
Nanguna sa kampanya ng Tropang Giga si Mikey Williams sa iskor an 28, siyam na rebounds, at anim na assists nang pulbusin ng koponan nito ang Magnolia, 105-93 para makuha ang 2-0 kalamangan sa serye ng kanilang finals.
Sunud-sunod ang buslo ni William sa kaagahan pa lamang ng laro. Naidikit pa ng Magnolia ang laro, 100-89 sa huling 4:29 ng regulation period.
Gayunman, nagawang pangalagaan ng TNT ang kanilang kalamangan.
Nalimitahan naman si Ian Sangalang nang makapagbuslo lamang ito ng 5 puntos, hindi katulad sa Game 1 na nakakuha ng 25 puntos, dahil sa iniindag back spasms.
Dalawang laro na lamang ang kailangan ng Tropang Giga upang makuha ang kampeonato.
Itinakda ang Game 3 ng kanilang best-of-seven series sa Linggo.