Na-excite ang mga Kapuso viewers at mga tagahanga ni Sanya Lopez dahil may sequel na ang romantic-comedy (rom-com) series nila ni Gabby Concepcion na 'First Yaya'. Level up na dahil siya na ngayon ang 'The First Lady'.

Ibinahagi ni Sanya sa kaniyang Instagram ang litrato ng teaser mula sa GMA Network. Aniya, "Parang panaginip lang ang lahat ng 'to."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Matatandaang nagkagustuhan at nagkatuluyan ang presidente ng Pilipinas sa kuwento (Gabby Concepcion) at ang yaya ng mga junakis niyang si 'Yaya Melody' na ginampanan ni Sanya.

Isa-isa namang nag-congratulate ang mga Kapuso stars at celebrities gaya nina Kakai Bautista, Ruru Madrid, Arny Ross, Ashley Ortega, at iba pang mga followers niya.

Wala pang detalye kung kailan magsisimula ang lock-in taping nila o kung kailan eere ang naturang serye.