Palaisipan sa mga netizens kung ano ang nais patungkulan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kaniyang tweet, na humihingi siya ng panalangin sa lahat, dahil sa 'major decisions' na nakatakda umano niyang gawin?
"Hi everyone. Just wanted to see how you’re all doing. Can I ask you to say a prayer for me? Major decisions I need to make and I hope I make the one that is truly led by the Spirit. Thanks my friend," ayon sa kaniyang tweet nitong Oktubre 15.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang espekulasyon hinggil dito. Karamihan sa mga sapantaha nila, lilipat umano sa ibang TV network si Gary V o kaya naman ay papasok sa politika, na parehong 'uso' ngayon.
"Huwag po sabihin na lilipat ka ng tv network?? Pleaasseee huwag ka po sana gumaya sa iba na porket in crisis ngayon ang ABS-CBN ay iniwan na nIla… marami mahe-hurt kapag yan ang naging big decision mo po. Please stay as a Kapamilya!"
"After reading this napadasal agad ako na sana huwag kami iwan ni Sir Gary mga kapamilya huh! Pwede naman ako manood ng 7 or TV5 in case pero ang puso ko talaga nakatatak na ang pula, berde at asul. Pero hands down sir anuman ang magpapasaya sa inyo, andito lang kami."
"Baka papasok na sa pulitika si Sir Gary V?"
"Prayers Gary. Pray and follow your heart. Always listen to your heart , it doesn't present too many complications nor contradictions, it only loves purely whereas the brain will constantly present arguments.. pray and lead with your heart."
Noong bandang Marso ay muling pumirma si Gary V ng kontrata sa ABS-CBN, kasabay ng iba pang mga artista nito gaya nina Maymay Entrata, Edward Barbers, Donny Pangilinan, at iba pa.
"Dahil sa kanila, maliban sa pagiging Kapamilya, they've also allowed me to reach so many more people with my involvement with, of course, 'ASAP,' 'Your Face Sounds Familiar,' 'X-Factor,' 'World of Dance,' 'Tawag ng Tanghalan.' To be able to reach more people is something that I am really so thankful for. That's one big reason that I stayed loyal. They never lessened their support for me," saad ni Gary V noon kung bakit sa kabila ng krisis ng kompanya ngayon ay nananatili siyang loyal Kapamilya.
Samantala, wala pa namang sey mula sa Pure Energy kung ano ba ang tinutukoy niyang major decisions na ito. Hintayin na lamang ang mga pasabog sa susunod na mga araw.