Ipinagmalaki ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang kaniyang nai-file na COC sa publiko.

Pero wait, hindi siya tatakbo sa alinmang posisyon. Ang COC na ito ay Certificate of Course Completion sa Land Transportation Office o LTO para sa kaniyang motorcycle riding course.

"Congratulations Z! May LTO Certificate of Course Completion ka na. Ride safe," ayon sa caption sa kaniyang Facebook page. Ito ay ebidensya na natapos niya ang motorcycle riding course.

Inakala naman ng kaniyang mga tagahanga na papasukin na rin niya ang politika, kagaya ng ibang mga kapwa niya artista.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May nakalinyang proyekto si Zanjoe sa Kapamilya Network. Siya ang lead actor para sa remake ng 'Doctor Foster' kasama sina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez. Ang version nito sa South Korea ay ang 'The World of the Married'.